11.13.2013

Haiyan na naman sila!

It's really disappointing!

Palpak na nga sa announcements at hindi naibigay ng tama ang inpormasyong "storm surge", hindi pa nagpapakita sa panahong kelangan sila ng mga biktima sa trahedya.

Sa lakas ba namang 250 kph na hangin na nakita na ng pag-asa, pati impormasyong delikado na ang epekto ng "storm surge", hindi pa naibigay ng maayos.

Ngayong tapos na ang bagyo, tapos na ang trahedya, madami ng bangkay sa daan, wala pa ring ginagawa ang mga taong nasa posisyon.

Tumulong na nga't lahat ang iba't ibang bansa, ni anino ng mga opisyal na nagpapa interbyu sa radyo at telebisyon, e wala! NAMAN!

Ke daling lumabas sa telebisyon at mag apela ng tulong, pero ni simpatiya lang sa mga biktima, wala. Ngayon na kelangan nila kayo, lugmok, umiiyak, pinanghihinaan ng loob, walang makain, kayo naman ay parang sabon na kung buhusan, nawawala.

Magsikilos naman kayo at hindi lang pasasa ng pasasa sa pag eenjoy sa mga buwis na pinagnanakawan pa. Hindi lang sa pag aanunsyo na mag rerelease kayo ng 13th month ng maaga.

Punyeta naman! Nakakahiya kayo! Kapwa Pilipino, hindi pa matulungan. Inuuna niyo pa si Napoles sa usapan e wala naman kayong maipipiga diyan kundi "I invoke my right" at "hindi ko alam".

Sana lang sa katagang "Babangon ang Pilipinas" e talagang may ginagawa kayo at hindi lang pabandying bandying sa palasyo, naninigarilyo, nagpapa picture at nagpapa interview lang.

Nakaka HB! Hay naku! Kelan pa kayo titino!

Naway maging aral to sa lahat ng tao. Bumoto naman kayo ng mga taong sa tingin niyo ay karapatdapat ilagay sa pweste at hindi kung sino ang nanay at tatay o kamag-anak.

Matamaan na kung matamaan!

No comments: